Art Stud 143 Guest Lecture Series: Art and Artmaking in the Time of COVID – Session 5: Gantala Press (Faye Cura)

Art Stud 143: Guest Lecture Series

Faye Cura: “Feminist Publishing as Feminist Organizing”

May 25, Tuesday | 2:30 pm – 4:00 pm 

Para mag register:     tinyurl.com/GLSMay25   

Malugod namin kayong iniimbitahan sa ika-5 talakayan sa Guest Lecture Series na inihanda ng mga estudyante ng Art Studies 143: Contemporary Art, isang kurso mula sa Department of Art Studies – University of the Philippines Diliman. 

Ang panauhing tagapagsalita sa sesyong ito ay si Bb. Faye Cura, manunulat, editor at convener ng GANTALA PRESS. Ang Gantala Press na itinatag noong 2015 sa Metro Manila ay isang independent, non-profit, at volunteer-run na Filipina feminist press at literary collective na nakasentro sa mga kwento ng kababaihan at ang kanilang partisipasyon at pakikipaglaban. Naglilimbag ang Gantala Press ng iba’t ibang publikasyon at nagdaraos ng press fairs, diskusyon, at workshops para sa kanilang mga adbokasiya. Naniniwala ang Gantala Press sa potensiyal ng Feminist Press bilang aksyong politikal kasama ang mga kababaihang artista at mga samahang kababaihan sa bansa. 

Samahan kami at sama-sama tayong matuto sa 25 May 2021, 2:30pm – 4:00 PM. Para mag register: tinyurl.com/GLSMay25

Inaaanyayahan rin ang lahat na samahan kami sa darating na sesyon:

May 27 – Rocky Cajigan 

Kita-kita tayo at sabay-sabay na matutuo! 

Para sa iba pang impormasyon at mga katanungan, maaaring i-email sa fddatuin@up.edu.ph